SAN FRANCISCO (Reuters) – Mapapabilang na si Apple Inc. Chief Executive Tim Cook sa pinakamayayaman sa mundo na ipinamigay ang kanyang yaman.

Iniulat ng Fortune magazine na sinabi ng pinuno ng pinakamalaking technology corporation sa mundo na balak nitong ipamigay sa charity ang tinatayang $785 million ng yaman nito—matapos bayaran ang college education ng kanyang 10-anyos na lalaking pamangkin.

“You want to be the pebble in the pond that creates the ripples for change,” sinabi ni Cook sa magazine.

Ang rebelasyon ng 54-anyos na CEO sa mahabang artikulo sa Fortune ay isang halimbawa ng nauusong public philanthropy ng pinakamayayaman sa mundo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hinihikayat ng billionaire financier na si Warren Buffett ang lahat ng bilyonaryo na magbigay ng kahit kalahati ng kanilang yaman sa pamamagitan ng “Giving Pledge”, na nakalista sa website ang luminaries na gaya nina Bill Gates, ng Microsoft Corp.; Mark Zuckerberg, ng Facebook, Inc.; at Larry Ellison ng Oracle Corp.