Mayroon kang pangarap at maningning iyon. Siguro, gusto mo nang lumipat ng ibang kumpanya dahil doon mas maipakikita mo ang iyong galing at talino. Nais mo marahil mag-asawa na upang lumagay ka sa tahimik. Gusto mo ring ma-promote ngayong tayon. Nais mong mag-imbento ng isang kapaki-pakinabang na bagay na tiyak na maghahakot ng malaking salapi para sa iyo. Kung ano man ang iyong pinapangarap, excited ka na kung kaya ibinahagi mo iyon sa lahat ng iyong kakilala at mga kaibigan.

At iyon nga ang iyong ginawa. Kaya ngumiti sa iyo ang lahat ng iyong sinabihan. “Wow, ang galing naman!” “Kaya mo ‘yan!” “Aprub!” Iyan ang iyong mga narinig sa kanila. Ngunit pagtalikod mo, sumimangot ang ilan sa kanila, nagtaasan ng mga kilay, at inirapan ka pa. Hindi lahat kasing excited mo sa iyong mga pangarap.

May ilan sa mga kasama mo ang ayaw sa ideas mo. May ilan na nagsasabing hindi ka magiging successful sa binabalak mong gawin. At ang ilan naman magbibigay ng advice na hindi mo naman hinihingi. Congratulations! Nakilala mo na ang mga nasusuklam sa iyo.

Bakit nasusuklam ang mga nasusuklam? Ang mga nasusuklam ay mga taong sana hindi mo na kinausap. Sila ang nagsasabing kapos ka sa kakayahan. Binabatikos o pinupuna nila ang iyong mga pangarap at ang iyong mga ideya. Nilulusaw nila ang iyong kumpiyansa. Sa halip na himukin ka nilang magpatuloy o tuparin ang iyong mga pangarap, Inihahatid ka nila sa kabiguan at sa samâ ng loob. Kung ano man ang iyong pangarap, kukumbinsihin ka nila na walang pupuntahan iyon.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Bakit ba sila nasusuklam? Marahil hindi nila gusto ang iyong pangarap o ideya at dahil hindi nila ninanais iyon para sa kanila. Malamang din na nagseselos sila sapagkat pareho kayo ng pangarap at alam nilang magtatagumpay ka at sila hindi. Maaari rin namang walang kinalaman ang pagkasuklam nila sa iyo. Ang mga nasusuklam ay tuwirang mga pesimista o walang nakikitang maganda sa kanilang kapwa. Nais nilang ibagsak ka upang sila ang umangat. Ipababatid nila sa iyo nang isa-isa ang iyong mga kapintasan upang sila ang lumutang na mas mainam, mas matalino at mas karapat-dapat sa pangarap mo.

Sundan bukas.