Binigyang diin ng isang obispo ng Simbahang Katoliko na ang pagbabahagi ng sarili at pagtulong sa mga nangangailangan ang tunay na mensahe ng Semana Santa at hindi pagpepenitensya, pagpapapako at pagpapasan ng krus.

Ayon kay Bishop Francisco De Leon, Apostolic Administrator ng Diocese of Caloocan, sa halip na pisikal na pagpapakasakit, mas nararapat na pagtuunan ng pansin ng mga mananampalataya ang pagsasabuhay sa ginawang pagsasakripisyo ni Hesus para sa sangkatauhan.

Paliwanag ni De Leon, dapat na iwasan ang pagiging makasarili at ibahagi na lamang ang sarili sa kapwa na siyang tunay na mensahe ng Mahal na Araw.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente