KEY BISCAYNE, Fla. (AP) – Kulang isang linggo mula nang mag-withdraw si Serena Williams mula sa semifinal ng Indian Wells dahil sa knee injury, sinabi ng two-time Miami Open defending champion kamakalawa na umaasa siyang magiging malusog upang makapaglaro bukas.

Isang rason kung bakit nais ni Williams na maglaro sa Miami ay dahil kinukunsidera niya itong home tournament – siya ay nakatira mahigit isang oras lamang ang layo mula rito sa Palm Beach County.

Ang isa pang dahilan ay dahil sa kanyang tagumpay sa event. Napanalunan niya ang titulo ng rekord na pitong beses.

‘’I didn’t think I would be doing this interview today,’’ sabi ni Williams. ‘’I stepped on the court (for practice) and I was just like, ‘I love this place. I love playing at home.’’’

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Si Williams, na nag-ensayo sa unang pagkakataon noong Miyerkules, ay binigyan ng anti-inflammatory injection sa Indian Wells.

‘’I’m just managing where I am right now,’’ aniya. ‘’Just trying to stay out of as much pain as possible and see what happens.’’

Nakatanggap ng first-round bye, sinabi ni Williams na hindi niya masusubok ang kanyang tuhod hanggang sa kanyang pagtapak sa court sa kanyang second-round match laban kay Monica Niculescu ng Romania.

Nakatapat ni Williams si Niculescu sa ikalawang round ng Indian Wells noong nakaraan at nakuha ang 7-5, 7-5 na panalo.

‘’Probably on my first match, if I get that far,’’ saad ni Williams. ‘’I don’t want to put too much pressure on it before.

‘’I’m just going to go for it and see what happens.’’