SAN ENRIQUE, Iloilo– Binaril at napatay ng isang anak ang kanyang ama makaraang magtalo sila habang nag-iinuman sa San Enrique, Iloilo, kamakawa ng gabi.

Ayon kay Senior Insp. Cecilia Hulleza, hepe ng San Enrique Municipal Police Station, naganap ang insidente sa Sitio Lagtong, Barangay Mapili, ng nasabing bayan dakong 8:00 ng gabi. Nag-iinuman ang mag-amang Quilisito Alarva, 46, at Marjun Alarva, 26, kasama ang ilang kapitbahay nang biglang magtalo sa kalasingan. Sa galit ng suspek kumuha ito ng 12 gause shot gun at binaril ang biktima.

Walang pagsisising sumuko ang suspek sa pulisya at sinabing matagal na siyang may hinanakit sa ama dahil sa ginagawa nitong pananakit sa kanya.

Sinampahan na ng kasong parricide ang suspek.
Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?