BORACAY ISLAND - Patuloy ang monitoring ng Environment Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Base sa EMB-DENR report noong 2014, bagamat bumaba ang presence ng langis sa baybayin ng isla ay mataas pa rin ang standard quality nito.

Batay sa kopya ng pag-aaral ng EMB noong nakalipas na taon, umabot sa average na 4.2 milligram per liter ang nakitang langis sa ilang bahagi ng baybayin ng Boracay. Ang standard ng langis ay dapat na nasa 4.2 milligrams per liter lang.

Dahil dito, inirekomenda ng DENR sa pamahalaang bayan ng Malay, kasama ang Philippine Coast Guard (PCG), na bawasan ang mga nakaparadang motor banca sa isla, dahil isa ito sa mga itinuturong dahilan sa mataas na level ng langis sa lugar.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa kabila nito, nanindigan ang DENR na ligtas pa ring paliguan ang baybayin ng Boracay.