Pinagkokomento ng Korte Suprema ang Department of Education (DepEd), Department of Labor and Employment (DoLE),Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Commision on Higher Education (CHED) kaugnay ng petisyong kumukuwestiyon sa K to 12 program.
Sa en banc session noong Martes ng Korte Suprema, binigyan ng 10 araw ang mga respondent para makapagsumite ng kanilang komento kaugnay sa petisyong inihain ng Coalition for the Suspension of K to 12, Suspend K to 12 Alliance at Council of Teachers and Staff of Universities and Colleges in the Philippines.
Hiniling ng petitioner na magpalabas ng TRO ang hukuman na pipigil sa pagpapatupad ng Republic Act 105-33 (Enhanced Basic Education Act) sa Implementing Rules and Regulations ng batas sa agam-agam na magdudulot ito ng pagkawala ng trabaho ng may 80,000 guro at non-teaching personnel sa iba’t ibang unibersidad sa bansa.