FOLLOW-UP ito sa sinulat namin na law professor na malaki ang agwat ng edad  na boyfriend ni Valerie Concepcion.

Valerie Concepcion

Marami na palang nakakaalam kung sino ang boyfriend ni Valerie dahil madalas pumunta ang aktres sa opisina ng lalaki at madalas din silang makitang magkasama.

May nagsabi ring halos tatay na raw ni Valerie ang boyfriend dahil puti na ang buhok kaya ang tawag ay sugar daddy daw ito ng aktres, bagay na hindi naman tama.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Kuwento ni Valerie nang makatsikahan namin, legal ang relasyon nila dahil matagal nang annulled sa asawa ang boyfriend niya na may mga anak na nga.

Naitanong namin kung bakit nahiwalay sa asawa, at ang pabirong sagot ng aktres, “you know, boys will be boys” na ang intindi namin ay babaero dahil may itsura at law professor pa.

Hindi ba siya nag-aalala na baka isang araw ay magbabu na rin ang boyfriend sa kanya dahil sabi nga niya, ‘boys will be boys’?

“Bahala siya, hindi naman ako ang naghabol sa kanya,” pabirong sagot ng alaga ni Tita Becky Aguila.

Balita nga namin ay ang guy ang gumawa ng paraan para makilala at sundan si Valerie.

Well, kung ganu’n pala, e, di posibleng maging future wife si Valerie ng kasalukuyang boyfriend niya dahil legal naman palang hiwalay sa asawa.

‘Yun nga lang, hindi boto ang mga anak ng lalaki kay Valerie dahil siyempre mas bata ang aktres at iba ang iisipin nilang motibo sa tatay nila lalo’t nasa posisyon ito.

Anyway, sana nga natagpuan na ni Valerie ang lalaking tunay na magmamahal sa kanya at sa anak niyang si Heather Fiona.