Bubuksan ng award-winning BEST Center, inisponsoran ng Milo, ang kanilang full summer kung saan ay nakatakda ang kanilang basketball at volleyball clinics sa Abril 6.

Sisimulan ng Ateneo ang summer basketball clinics na rorolyo ang klase tuwing Lunes at Huwebes sa Preparatory Levels 1 hanggang 6.

Pangungunahan naman ng University of Perpetual Help ang kanilang basketball classes sa Levels 1-3 mula sa Abril 6-30.

Lalarga naman sa Starmall sa Alabang sa Abril 7-May 1 sa mga nag-enroll na estudyante ang Levels 1-4 tuwing Miyerkules at Huwebes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Magiging punong-abala ang Amoranto Sports Complex sa mga nagpatalang estudyante sa Levels 1-4 sa nasabi ring petsa.

Nakareserba naman ang Abril 8 hanggang Mayo 2 sa mga nag-enroll na estudyante ang Wednesday at Saturday classes sa Malate Catholic School para sa Levels 1-4.

Kakalingain ng Xavier School ang mga estudyante sa Levels 1-3 tuwing Miyerkules at Sabado.

Nakatakda ang Sunday classes sa Lancaster New City sa mga estudyante sa Levels 1 at 2.

Inihayag ni BEST Center founder at president Nic Jorge, dating national player at coach, na magsisimula ang volleyball clinics sa Abril 6 at tatakbo ito hanggang ika-30 para sa Monday at Thursday classes sa Starmall Alabang.

Nakareserba ang Tuesdays at Thursdays mula sa April 7-May 2 ang volleyball clinics sa Ateneo at sa Malate Catholic School.

Sa April 8-May 2 naman nakatakda ang Wednesday at Saturday clinics para sa mge estudyante sa University of Perpetual Help-Las Pinas.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa mga telepono bilang 411-6260 at 372-3065/66; sa E-mail [email protected]; o sa Facebook: best center sports inc.

Ang Best Center ay ang Philippine Sportswriters Association (PSA) Hall of Fame awardee at recipient ng Philippine Olympic Committee (POC) Olympism Award.