Isang 30-anyos na elementary English teacher ang nakulong dahil sa mga alegasyon na pinagsamantalahan nito ang isang 10-anyos na lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya noong Martes.

Nakalahad sa ulat na nakarating sa Quezon City Police District (QCPD) Station 2 (PS-2) sa Batasan, ang suspek ay kinilalang si Lester De Guzman, single, English teacher sa Project 6 Elementary School at resident eng No. 66 J. Road 3, Brgy. Project 6, Quezon City.

Sinabi ng pulisya na hinain ang suspek ng isang kaso ng rape sa ilalim ng Republic Act 7619 sa Quezon City Prosecutor’s Office kasunod ng insidente na diumano’y nangyari dakong 7:00 ng gabi noong Linggo sa mismong bahay ng suspek.

Bago ang insidente, ayon sa imbestigasyon, ang biktima (na hindi pinangalanan) ay naglalaro kasama ang dalawa niyang kaibigan sa labas ng kanilang bahay sa Project 6, nang dumating ang suspek at imbitahan sila sa kanyang tahanan.

National

Zamboanga del Norte, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol; Aftershocks at pinsala, asahan!

Inilahad sa ulat ng pulisya na hinawakan at pinaghahalikan diumano ng suspek sa maseselang bahagi ng katawan ang biktima.

Ang nasabing pangyayari ay nasaksihan ng dalawang iba pang bata, ayon sa pulisya.

Sa kanyang pag-uwi, agad na isinumbong ng biktima ang pangyayari sa kanyang ina. Agad itong nagtungo sa barangay at pagkatapos ay sa presinto upang maghain ng reklamo.

Isang grupo ng mga pulis ang nagtungo sa bahay ng suspek upang arestuhin siya.

Sa isang panayam, sinabi ni Police Inspector Wennie Ann Cale, hepe ng Masambong Police Station – Station Women’s and Children Police Desk (SWCPD), na ayon sa kanilang imbestigasyon, hindi ito ang unang pagkakataon na may kaparehong reklamo na inihain laban kay De Guzman.

Ayon kay Cale, Mayo 2014 nang isang kaparehong kaso ang isinampa laban sa suspek sa Prosecutor’s Office ngunit hindi ito nagtuloy. (Ulat nina Francis Wakefield at Betheena Kae Unite)