CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite – Inaresto ang kinasuhan ng Cavite Police Provincial Office (CPPO) ang pitong tao na isinasangkot sa pagnanakaw umano sa 175 steel bar at pagbebenta nito sa isang trading firm sa General Mariano Alvarez (GMA).

Kinilala ni Supt. Romano V. Cardiño, hepe ng CPPO Intelligence Branch, ang mga kinasuhan ng qualified theft na sina Rey Joseph Ybañez, Nonito Malanog Barong, kapwa helper; Ruben Villamor Deruday, driver; Jonathan Rabacca Sina at Jomarie Dalen Trangil, parehong checker at pawang empleyado ng Steel Tower Corp. sa Dasmariñas City.

Sinabi ni Cardiño na kinasuhan din kahapon sa Imus Provincial Prosecutor’s Office sa paglabag sa PD 1612 (Anti-Fencing Law) si Jennylyn Pongpong at ang ama niyang si Wilfredo Pongpong, may-ari ng Marina Trading sa GMA.

Inaresto ang limang kawani sa operasyon ng pulisya sa Barangay Lalaan, Silang, sa reklamong nagsabwatan sila upang matangay at maibenta ang 175 round steel bar ng kumpanya, na nagkakahalaga ng P25,800, sa Marina Trading. - Anthony Giron

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente