Steve Nash

LOS ANGELES (AP)– Inanunsiyo na ni Los Angeles Lakers guard Steve Nash ang kanyang pagreretiro, matahimik na tinapos ang 19 taong NBA career na kinabibilangan ng dalawang MVP awards.

Makaraang maglaro sa 65 pagkakataon lamang sa nakaraang tatlong season dahil sa injuries, isinapormal ng 41-anyos na Canadian playmaker ang kanyang paglisan sa pamamagitan ng isang sulat sa The Players’ Tribune, isang website kung saan siya ang senior producer.

‘’I will likely never play basketball again,’’ saad ni Nash, na hindi naglaro ngayong season. ‘’It’s bittersweet. I already miss the game deeply, but I’m also really excited to learn to do something else.’’

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ang eight-time All-Star ay pangatlo sa kasaysayan ng NBA sa kanyang 10, 335 assists, nasa likuran nina John Stockton at Jason Kidd. Si Nash din ang best free-throw shooter sa NBA history sa 90.4 porsiyento.

Habang pinapasalamatan ang mahabang listahan ng mga naging kakampi at maimpluwensiyang mentors sa kanyang liham, nabanggit din ni Nash ang kanyang pagmamahal para sa basketball at ang kanyang walang sawang pagpupursigi.

‘’The greatest gift has been to be completely immersed in my passion and striving for something I loved so much - visualizing a ladder, climbing up to my heroes,’’ ani Nash. ‘’The obsession became my best friend.’’

Bagamat ang kanyang career ay magtatapos sa Lakers, si Nash ay maaalala sa kanyang panahon sa Phoenix Suns. Ang mabilis, sharp-shooting point guard ang nagbago sa professional game at napanalunan ang MVP awards ng liga noong 2005 at 2006 sa isang dominant stretch sa kanyang pangunguna sa up-tempo offense ni coach Mike D’Antoni.

‘’It will always hurt that Phoenix Suns fans didn’t get the championship they deserved during our run,’’ saad ni Nash, na gumugol ng 10 seasons sa Phoenix sa kanyang dalawang tenure sa koponan.

‘’Yes, we had some bad luck, but I always look back at it and think, ‘I could’ve made one more shot, or not forced a turnover, or made a better pass.’ But I don’t regret anything. The arena was always sold out and rocking. It was the time of my life.’’

Si Nash ay ipinanganak sa South Africa ngunit lumaki sa British Columbia at nangningning sa kolehiyo para sa Santa Clara. Matapos umpisahan ang kanyang NBA career sa dalawang tahimik na taon sa Phoenix, umangat siya sa Dallas Mavericks noong 2000-01 season katambal sina Michael Finley at Dirk Nowitzki at tumuntong sa Western Conference finals.

Makaraang muling lumagda sa Phoenix, pinangunahan ni Nash at D’Antoni ang Suns sa conference finals ngunit makailang ulit na nabigo sa NBA Finals.