OKLAHOMA CITY (AP)- Muling ikinasa ni Russell Westbrook ang isa pang triple-double at nagsalansan ng 17 sa kanyang 36 puntos sa fourth quarter upang tulungan ang Oklahoma City Thunder sa panalo kontra sa Atlanta Hawks, 123-115, kahapon.

Ito ang ikapitong triple-double ni Westbrook simula sa All-Star break, ang kanyang ikasiyam sa season at ika-17 sa kanyang career. Nagtla rin ito ng 10 rebounds at 14 assists habang naisalansan nito ang lahat ng 17 sa kanyang free throws.

Ipinatas naman ni Dion Waiters ang season high na 26 puntos, umiskor si Anthony Morrow ng 12 sa kanyang 21 sa fourth quarter habang inasinta ni Steven Adams ang 12 puntos at 16 rebounds sa Oklahoma City, maagang nalaman na si reigning NBA MVP Kevin Durant ay ‘di makikita sa aksiyon sa mga nalalabing laro sa season sanhi ng nararamdamang pananakit sa kanyang kanang paa.

Itinarak ni Pero Antic ang career-high na 22 puntos habang nagdagdag si Dennis Schroder ng 21 para sa Eastern Conference-leading Hawks, pinasadsad muna ng Western Conference leader na Golden State noong Huwebes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho