Ni GENALYN D. KABILING

Maging tapapagtaguyod ng kapayapaan at kaunlaran.

Ito ang pangunahing mensahe ni Pangulong Aquino sa mga graduating student ngayong Marso 2015 kasabay ng tagubilin na pangalagaan ang kanilang integridad, pagiging patas at pananagutan sa kanilang mga ginawa.

“May you, dear graduates, seize the opportunities given by your alma mater. You are our future nation-builders and stewards of peace and progress,” pahayag ng Pangulo sa mga nagtapos sa University of Southeastern Philippines-College of Arts and Sciences.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Aquino, umaasa siyang magpapatuloy ang pagiging masigasig, mapaglikha at mapanurin sa kanilang mga gawain upang makatulong sa pagunlad hindi lamang ng rehiyon ng Mindanao, ngunit maging ng buong Pilipinas.

“Together, let us tread the straight and righteous path brimming with hope and confidence, and advocate integrity, fairness, and accountability in all our efforts; these will help us realize our shared aspirations for our country,” dagdag ng Pangulo.

Nagtaasan umano ng kilay ng mga dumalo sa okasyon nang banggitin ng Pangulo ang salitang “accountability” matapos siyang ulanin ng pagbatikos bunsod ng madugong operasyon sa Mamasapano, Maguindanao kung saan 44 police commando ang brutal na pinatay.

Dahil sa isyu ng pananugutan bilang commander-in-chief, maraming sektor ang nanawagan sa pagbibitiw ni PNoy sa puwesto.

Bagamat inako na ng Pangulo ang responsibilidad sa pagkamatay ng mga tauhan ng Special Action Force (SAF), ilang sektor ang nagsabing dapat din siyang managot dahil sa palpak na operasyon laban sa Malaysian bomb expert na si Zulkifli Bin Hir, alyas “Marwan,” at Basit Usman.

Sa kanyang mensahe sa 2015 graduates, binigyang halaga ni PNoy ang “collective power” ng kabataan upang makatulong sa pagsulong ng bansa sa kaunlaran at kapayapaan.

“Your university counts you among our reliable partners in this mission, as you provide quality education to our young citizens in Southeastern Mindanao, and develop their faculties in both the arts and sciences,” pahayag ng Pangulo.