ISANG mainit na pagsalubong sa summer ang inihatid ng Ginebra San Miguel noong Sabado (Marso 14) sa Liwasang Bonifacio sa Maynila. Ang maalindog na Ginebra Calendar Girl na si Ellen Adarna ang isa sa mga nagpasaya sa libu-libong ‘ganado sa buhay’ na dumayo sa Ginumanfest 2015. Ellen AdarnaSi Ellen ay sinamahan ng iba pang celebrities tulad nina Vhong Navarro, Jhong Hilario at marami pang iba. 

Ang mga ‘ganado sa buhay’ na music lovers ay nakipagsabayan sa rakrakan ng Itchyworms, Rocksteddy, at Save Me Hollywood. Sinamahan pa ito ng musical extravaganza na hatid ni DJ Carlo Atendido.

Ang walang-tigil na kulitan at papremyo nila Papa Jack at Gee Canlas ay nagdagdag din sa kasiyahan bilang bahagi ng handog pasasalamat ng Ginebra San Miguel sa suporta ng milyun-milyong kabarangay na siyang dahilan upang manatili itong number one gin sa buong mundo.

Mahigit 220,000 katao ang nakilahok sa Ginuman Fest noong nakaraang taon kasabay ng pagdiriwang ng ika-180 anibersaryo ng Ginebra San Miguel.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Simula nang inilunsad ang Ginumanfest noong 2012, mas lalo pang dumami ang mga nagmamahal sa Ginebra San Miguel. At ang Ginumanfest ay handog ng Ginebra San Miguel sa kanilang lahat bilang pasasalamat sa walang sawang suporta ng milyun-milyong mga kabarangay,” ayon sa VP at marketing manager ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) na si Nelson Elises.

Abangan ang Ginumanfest 2015 na dadayo sa Sinloan, Laguna; Legaspi, Albay (Abril); Kalibo, Aklan (Abril 17); Bayambang, Pangasinan (Abril 17); Agoo, La Union (Abril 25); Gapan, Nueva Ecija (Abril 28-Mayo 1); Pulilan, Bulacan (Mayo); Santiago, Isabela (Mayo 2); Lucena, Quezon (Mayo 29); Silang, Cavite (Hunyo 19); San Juan, Metro Manila (Hunyo 20); Tacloban, Leyte (Hunyo 28); San Jose Del Monte, Bulacan (Setyembre 9); Naga, Camarines Sur (Setyembre 17); Alicia, Isabela (Oktubre); at Narvacan, Ilocos Sur (Disyembre 11). 

Para makasali sa kasiyahan at papremyo sa Ginumanfest sa inyong lugar, bumili lamang ng mga produkto ng GSMI gaya ng Ginebra San Miguel, GSM Blue, GSM Blue Flavors at Ginebra San Miguel Premium Gin sa Ginuman Fest venue at piling outlets malapit sa concert grounds.