Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya kaugnay ng pananambang sa isang pangulo ng Association of Barangay Chairman (ABC), na kritikal ngayon sa Pamplona, Camarines Sur.

Sa ulat ng Pamplona Police, tinambangan nitong Huwebes ng gabi si Domingo Briones, chairman ng Barangay Tambo sa Pamplona.

Sinabi sa report ni Senior Insp. Joel Sabuco, hepe ng Pamplona Police, na dakong 11:20 ng gabi nang tambangan ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo mula sa isang .45 caliber pistol.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pananambang kay Briones, na kakandidato umanong alkalde sa 2016.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20