Chris Connor

ISANG natatanging palabas ang hatid ng Rotary International District 3830 sa tulong ng Royale Chimes Concerts & Events, Inc. Pinamagatang The World Famous Elvis Show, ito ay magtatampok sa Elvis Presley tribute act na si Chris Connor kasama ang kanyang bandang The Steels.

Si Chris Connor ang pinakaunang binigyan ng ‘World’s Best Elvis Performer’ award na hinirang sa pamamagitan ng isang worldwide official fan poll. Ibinigay ang naturang parangal noong nakaraan taon kasabay ng pagdiriwang ng Elvis Week sa Memphis na siyang hometown ng King of Rock and Roll.

Ang The World Famous Elvis Show ay gaganapin sa April 24, 25 at 26, 8PM sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. Sa show na ito muling bibigyang buhay ni Chris Connor ang highlights sa memorable concerts ni Elvis na That’s the Way It Is at sa sold-out show nito noong 1972 sa Madison Square Garden, New York.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kabilang sa mga kantang itatanghal concert ang Proud Mary, Can’t Help Falling in Love, Hound Dog, Blue Suede Shoes at marami pang iba.

Walang duda na mag-e-enjoy ang audience sa show na ito dahil kamukhang-kamukha at kaboses talaga ni Elvis Presley ang tribute act na si Chris Connor.

Ito rin ang dahilan kung bakit sold-out ang shows ni Chris Connor sa Europe — Ireland, Holland, the UK; sa Australia at sa United States — Atlanta, New Orleans, New York at sa mismong hometown ni Elvis hometown sa Memphis.

Pati na si Joe Esposito, ang best friend at kanang kamay ni Elvis sa loob ng halos 17 taon, ay namangha at bumilib sa husay ni Chris Connor nang mapanood niya itong mag-perform.

Available ang tickets para sa The World Famous Elvis Show sa Ticketworld, SM Tickets at Ticketnet outlets.