Agad na inatasan ni QCPD Director Chief Supt. Joel D. Pagdilao si Kamuning Police Station Commander P/Supt. Lemuel Obon na pasukuin ang kanyang tauhan na si PO1 Joenel Bayubay na suspek sa pamamaslang sa isang empleyado ng Quezon City Hall, iniulat kahapon.

Si Bayubay ay kinasuhan ng murder sa Quezon City Prosecutor’s Office kamakalawa sa pamamaril hanggang sa mapatay si Michael Martinez, nakatalaga sa Business Permit Licensing Office (BPLO ) sa QC Hall.

Naganap ang insidente noong Pebrero 28, 2015 sa Judge Jiminez St., Barangay Kristong Hari, QC nang magkagitgitan ang Toyota Corona ng biktima at ang Tamaraw FX ni PO1 Bayubay na nakasakay pa umano ang anim pang hindi nakilalang tauhan ng Kamuning Police.

Nabatid kay P/Supt. Obon na nasa emergency leave si Bayubay mula Pebrero 25 hanggang Marso 3 subalit makaraan ang insidente ay hindi na ito nag-report sa trabaho. Dahil dito nasa AWOL status o absent without official leave na si Bayubay at nagpalabas na rin ng massive manhunt operation si Pagdilao laban sa kanya.
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso