PORT VILA (Reuters)— Pinalakas ng international aid agencies ang kanilang mga apela para sa Vanuatu na sinalanta ng bagyo noong Miyerkules, nagbabala na ang malakas na bagyo na nakaapekto sa mahigit two-thirds ng South Pacific island nation ay sinira ang mga pananim at winasak ang fishing fleets, na nagtataas ng panganib ng gutom at sakit.

Sinabi ng United Nations na ang official death toll sa Cyclone Pam ay umabot na sa 11, ngunit inaasahang tataas pa ito sa pagsuyod ng mga opisyal sa kapuluan.

“We are extremely concerned for the safety and well-being of many communities affected by the cyclone, particularly in the more remote regions of the country that are only accessible by boat,” sabi ni Aurélia Balpe, regional head of the International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC).

“For a small nation like Vanuatu this is a huge disaster that requires an international response.”
National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA