Patrick at Nikki

THIS coming Saturday, March 21 na ang kasal ni Patrick Garcia at ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Nikka Martinez. Sa Blue Leaf Pavillion sa Taguig city gaganapin ang naturang kasalan.

Sabi ni Patrick, magkahalong saya at excitement ang naramdaman niya. At kahit nagsasama na nga raw silang dalawa, feeling niya ay ngayon lang sila nag-uumpisang magmahalan.

May anak na sina Patrick and Nikka, si Chelsea na buong pagmamalaking ikinuwento ni Patrick na cute na cute at halos ayaw na niyang umalis ng bahay dahil dito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kuwento pa ng dating child actor, si Alex Jazz, ang panganay na anak niya -- kay Jennylyn Mercado -- ang magiging ring bearer sa kasal nila ni Nikka. Tuwang-tuwa si Patrick dahil tiniyak na sa kanya ni Jennylyn na makakarating ang aktres at sasamahan ang anak nila sa pagdalo sa espesyal na okasyon sa buhay niya.

Ayon sa aktor, malamang na mag-abroad silang mag-asawa para sa honeymoon nila pero hindi sila magtatagal dahil may hinihintay siyang proyektong gagawin sa ABS-CBN.