HOUSTON (AP)– Hindi naging maganda ang pagpapakita ni James Harden sa laro kahapon.

Ngunit nagawa pa rin ng Houston Rockets na makakuha ng panalo laban sa Orlando Magic, salamat sa kontribusyon na mula sa buong lineup.

Umiskor si Donatas Motiejunas ng 23 puntos at ginamit ng Rockets ang isang malaking pag-atake sa fourth quarter upang makuha ang 107-94 panalo.

Si Harden, pumapangalawa sa NBA sa scoring, ay 4-for-14 lamang, ngunit gumawa ng walong free throws upang tumapos na may 17 puntos sa laro na may anim na Rockets na nagtapos sa double figures.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

‘’That’s the beauty of this team,’’ sabi ni Harden. ‘’You got five or six guys in double figures. That means the ball is moving around and that means guys are getting good shots. No matter if I struggle or not, we still win and that’s a great thing.’’

Isang driving layup ni Victor Oladipo ang naglapit sa Magic sa 2 puntos, may 5 minuto pang natitira sa orasan, bago ang 13-0 run ng Magic, na pinalakas ng tatlong 3-pointers, upang itala ang iskor sa 107-92, ilang segundo pa ang nalalabi sa korte.

Ang natatanging puntos ng Orlando sa huling 4:40 ay nagmula sa basket ni Ben Gordon, may 40 segundo pang natitira.

Ang 29 puntos ni Oladipo ang pinakamarami para sa Magic, na nalaglag sa apat na sunod na pagkabigo.

‘’Teams play the best in the fourth quarter, the level is raised, and Houston raised (its) level and we responded with the right effort, but we didn’t execute enough,’’ ani Magic coach James Borrego.

Bukod kina Motiejunas at Harden, umiskor din sa mahigit na 10 puntos sina Trevor Ariza (17), Josh Smith (17), Corey Brewer (13) at Patrick Beverley (12).

Nagpalitan ang dalawang koponan ng kalamangan ng ilang beses sa third quarter ngunit matapos nito, wala nang nakalamang ng mahigit sa 3 puntos hanggang makakuha ang Magic ng pitong sunod na puntos, kasama ang 3-pointer ni Channing Frye, para kunin ang 78-71 bentahe.

Ngunit dalawang 3-pointers ang naipasok ni Smith sa huling 27 segundo sa third quarter, kabilang ang isa sa pagtunog ng buzzer para makadikit sa 78-77 papasok sa fourth quarter.

‘’We had no momentum at that time,’’ ayon kay coach Kevin McHale. ‘’We couldn’t stop them and they were feeling good about themselves. Josh’s two 3’s at the end of the third were huge.’’

Resulta ng ibang laro:

Detroit 105, Memphis 95

New York 104,

San Antonio 100 (OT)

New Orleans 85, Milwaukee 84

LA Clippers 99, Charlotte 92