Sinimulan ng Philippine Archery Team ang una nilang hakbang upang madetermina ang kanilang direksiyon tungo sa pagtuntong sa World Championships at sa prestihiyosong Olympic Games sa paglahok sa unang leg ng Asian Cup na nagsimula kahapon at magtatapos sa 22 sa Bangkok, Thailand.

Ipinadala ng Philippine Archers National Network and Alliance (PANNA) ang kabuuang 16-katao sa men’s at women’s recurve at compound sa pamumuno ni Youth Olympic Games recurve-doubles gold medalist Luis Gabriel Moreno at Incheon Asian Games Compound bronze winner Paul Morton dela Cruz.

Ang mga miyembro ng dalawang koponan ay nakapasa sa serye ng qualifying tournaments upang makamit ang prebilihiyo na iprisinta ang bansa sa Asian Cup, World Cup sa Mayo, Singapore SEA Games sa Hunyo at ang World Championships sa Hulyo

Sinabi ni PANNA President Fred Moreno at Secretary General Atty. Clint Aranas na naging posible ang kampanya ng archers sa pagtutulungan ng Philippine Sports Commission (PSC) at pribadong sektor para sa kinakailangang exposure at muling maiangat ang Philippine archery sa world ranking.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kasama sa men’s recurve team sina Olympian Mark Javier, Florante Matan at Zander Lee Reyes. Ang women’s recurve ay binubuo naman nina Olympian Rachel Ann Cabral dela Cruz, Kareel Hongitan at Mary Queen Ybanez.

Hindi naman nakasama sina Bianca Gotuaco at Marie Crizabelle Merto dahil sa kanilang pag-aaral.

Ang compound bets ay kinabibilangan nina multi-Asian Grand Prix gold medalists Earl Yap, Amaya Paz-Cojuangco, ang nagbabalik na si Jennifer Chan, Sea Games gold medalist Anthony Delfin, Jose Ferdinand Adriano, Joan Chan Tabanag at Abbigail Tindugan.

Makasasagupa ng Philippine Team ang mabibigat na kalaban na mula sa South Korea, Iran, India, Japan at China sa world ranking tournament.