Si dating Pangulong Fidel V. Ramos, ang ika-12 pangulo ng Pilipinas mula 1992 hanggang 1998, ay nagdiriwang ng kanyang ika-87 kaarawan ngayong Marso 18. Sa kanyang panunungkulan bilang pangulo, inihatid niya ang progreso sa teknolohiya at masiglang paglago ng ekonomiya, na nagbunsod sa pagpasok ng local at foreign investments. Itinaguyod niya ang people empowerment at kahusayang pandaigdig.

Si Pangulong Ramos, na mas popular sa tawag na “FVR”, ay aktibo ngayon sa mga forum at speaking engagement dito at sa ibang bansa, sa pamamagitan ng kanyang Ramos for Peace and Development (RPDev) Foundation, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang talino sa pamamahala at pulitika. Ang RPDev ay nagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa Pilipinas at sa Asia-Pacific.

Patuloy na sumusulat si FVR ng mga aklat tungkol sa nation-building, democracy, citizenship, at civil responsibility. Kabilang dito ang Wonder of Words: The Timeless Quotes of Fidel V. Ramos and Contemporaries; Best Practices: Teamwork in National Building; The Continuing Revolution: meeting the Challenges of Development and Poverty Reduction; and Time for Takeoff: The Philippines is Ready for Competitive Performance in Asia-Pacific. To Win the Future ang titulo ng kanyang inaugural address noong Hunyo 30, 1992.
National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!