Nais ng tatlong kongresista mula sa Bohol na ideklara ang Hulyo 4 ng bawat taon bilang Francisco Dagohoy Day.

Nakasaad sa HB 5504 nina Reps. Rene L. Relampagos, Erico Aristotle C. Aumentado at Arthur C. Yap na ang Hulyo 4 ay magiging isang special working holiday sa buong bansa at non-working holiday sa lalawigan ng Bohol.

Si Francisco Dagohoy, katutubo sa Bohol na ang tunay na pangalan ay Francisco Sendrijas, ay kinikilala bilang Pilipinong rebelde na namuno sa pinakamahabang pagaalsa laban sa mga Kastila sa kasaysayan ng Pilipinas na nagsimula noong Hulyo 4, 1744 at tumagal ng 85 taon.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente