Patay ang isa sa apat na suspek sa pagpatay sa dalawang dalaga nang ito ay makipagbarilan sa mga pulis, kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Nalagutan ng hininga sa Dr. Jose Rodriguez Hospital si Romel Berzuela, alyas “Ilongo,” 45, naninirahan sa Phase 7A, Package 9, Lot 7, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Si Berzuela ay kabilang sa apat na suspek sa sumaksak at nakapatay sa mga biktimang sina Princess Dela Cruz, 19, at Mary Rose Junio, 18, mga residente ng Phase 2, Package 1, Block 16, Bagong Silang Caloocan City, noong Marso 4, 2015, dakong 8:00 ng gabi. Lumalabas na pagnanakaw ang motibo ng mga salarin sa pagpaslang sa mga biktima.

Ayon kay SPO1 Alan Budios ng North Extension Office (NEO) ng Caloocan Police, dakong 9:00 ng umaga nang sumugod ang mga tauhan ng Special Reaction Unit- Special Weapon and Tactics (SRU-SWAT) pinagtataguan ni Berzuela sa Saint Joseph, Phase 5, Bagong Silang para arestuhin siya ngunit nanlaban ang suspek sa mga awtoridad.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race