INDIAN WELLS, Calif. (AP) – Dinispatsa ni defending champion Novak Djokovic si Marcos Baghdatis, 6-1, 6-3, sa loob ng 59 minuto upang umabante sa ikatlong round ng BNP Paribas Open kahapon, at iangat ang kanyang rekord kontra sa Cypriat sa 8-0.

Hindi pa natatalo kahit isang set si Djokovic kay Baghdatis sa kanilang huling tatlong pagtatagpo umpisa 2011.

Ang Serb ay kada pulgadang nagmukha bilang top-ranked men’s player sa mundo, kumunekta sa kanyang unang limang serve at diniktahan ang laro mula sa baseline.

Si Djokovic ang nagdidepensang kampeon sa Indian Wells kung saan target niyang mapanalunan ang kanyang ika-50 career title. Siya ay kasalukuyang nakatabla sa coach na si Boris Becker sa 49.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Samantala, tinalo ni Andy Murray si Vasek Pospisil, 6-1, 6-3, at mas pinadali ito ng hard-serving Canadian sa kanyang pagkamit ng 35 unforced errors.

Kinailangan naman ni two-time champion Maria Sharapova ang anim na match points bago tuluyang napatalsik si Yanina Wickmeyer, 6-1, 7-5, sa kanyang layong maging unang babaeng manlalaro na mapanalunan ang torneo ng tatlong beses.