SYDNEY (Reuters) – Binaklas at tinangay ng hangin na may lakas na 340 kilometro kada oras (210 mph) ang mga bubong at pinatumba ang mga puno sa Pacific island nation ng Vanuatu noong Sabado, na dose-dosena ang nasawi, ayon sa ulat.
Base sa paglalarawan ng mga saksi, umabot sa walong metro ang storm surge at lumubog ang Port Vila matapos tumama ang Category 5 Cyclone na Pam.