Nanorpresa kahapon ang baguhang Malou sa ginaganap na 11th Manila Bay Seasports Festival 2015 nang patalsikin ang defending champion Islander (dating Matador) sa first round ng formula race sa Manila Bay (harapan ng Baywalk) sa Roxas Blvd., Manila.

Ang motorized banca na Malou ay giniyahan ni Ronald Pajullo mula sa pag-aari ni Malinda Oropesa ng Dasmariñas City, Cavite na nagtatak ng fastest time sa 16-pair single elimination race sa 4 minuto at 29 segundo.

Agad napabilang sa napatalsik sa labanan ang Boracay-based Islander na pinaandar ni Ryan Isiderio at nakatala si Nathan Sualog bilang owner para sa natitirang 16 na lahok na ‘di umabot sa second round.

Gayunman, ‘di nasustena ng Malou ang panonorpresa sa Round-of-8 nang masawata ng Habagat na nirendahan ni Stephen Repaso at pag-aari ni Estrella Mendoza sa clocking ng huli na 4:29.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Umentra ang Habagat sa second round nang magtala muna ng 5:09 kontra sa Ken. Katuos sa quarterfinals. Makakasama rin ang Hydro Lift na umiskor din ng dalawang panalo.

Kumumpleto sa Last Four casts sa bancathon ang Lord Cedric at Best Friend, Speed Cross at Terminator, at Alcoholic at Unico Hijo.

Humataw din kahapon ng hapon ang semifinals sa formula race at sisimulan ang stock race at dragon boat race patungo sa Day 2 sa finals ngayon sa event na itinaguyod ng Manila Broadcasting Company at City of Manila at sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard. Sumuporta rin sa festival ang Cobra Energy Drink, The Generics Pharmacy, Revicon, M. Lhuillier, Columbia Candies, at Herco na tagapamahagi ng Briggs and Stratton.