Nakapiit ngayon ang driver at pahinante ng isang ten-wheeler truck na sinakyan ng isang kalabaw subalit nakawala at nanuwag ang hayop sa daan na ikinasugat ng pito katao sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Marlo Martinez ang mga nakapiit na sina Domingo Nocedal, 32, driver ng 10-wheeler truck; mga pahinante na sina Adrian Frisco, Edwin Perez at Dante Flaresca.

Ang mga akusado ay kinasuhan ng multiple injuries sa Quezon City Prosecutors’ Office.

Habang sugatan naman ang mga nasuwag ng kalabaw na sina Jonet Rubino, matadero sa katayan ng hayop sa Mega Q Mart sa Barangay Kamias, Quezon City; call center employee na si Maria Betty Tanion, ng San Mateo Rizal; Willy Aris, ng E. Rodriguez Ave., Cubao; Cornelio Serrano, isang barangay tanod; Bernardini Makato at asawa nito na kaangkas sa isang motorsiklo; at isang hindi nakilalang biktima.

National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4

Base sa report, dakong 5:00 ng madaling nang makawala ang kalabaw mula sa 10-wheeler truck na galing sa Naga City at dadalhin sa Mega Q Mart.

Nabatid na bigla na lamang umanong nagwala ang kalabaw sinuwag ang mga biktima matapos itong pumasok sa isang apartel sa E. Rodriguez Ave. Cubao at isang call center sa likod ng Farmers sa Araneta Center.

Sa maagap na pagesponde ng mga pulis at barangay tanod, nasukol ang kalabaw sa call center building upang maiwasan pa itong makapanakit ng iba.

Ayon naman sa manager ng Mega Q Mart si Cornelio De Guzman at dealer na si Josie Banez, sasagutin ang gastusin sa ospital ng mga sinuwag ng kalabaw.

Ayon kay De Guzman, may business permit ang negosyanteng si Banez bilang dealer ng kalabaw sa Metro Manila.