Paulo Avelino

PATOLERO na kung patolero, pero sinagot at nag-react si Paulo Avelino sa Instagram sa isyung spotted siyang nakikipag-date kay Jasmine Curtis-Smith. May naglabas kasi ng picture nilang dalawa na masaya at nakangiti na ikinagalit at ikina-disappoint ng fans nila ni KC Concepcion.

Sa galit siguro ng isang fan nila ni KC, sinabihan si Paulo na “user” na hindi nito nagustuhan at sinagot ang tumawag sa kanya ng ganu’n. Ang sagot ni Paulo ay, “How come? You’re too young to even understand what they feed you on TV.”

Hindi na muling sumagot ang basher, pero may ibang tuloy ang pag-aakusa kay Paulo ng kung anu-ano. May nagpapayo pa sa kanyang aminin ang totoong status nila ni KC dahil hindi nila matanggap ang nabanggit sa isang TV interview na “friends” lang sila ni KC .

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

May mga nag-react din sa sinabi diumano ni Paulo na paano sila magbi-break ni KC kung wala naman silang inamin na sila’y may relasyon? Nadagdagan ang tampo ng fans kay Paulo sa tsismis na si Jasmine naman ang nililigawan niya ngayon.

Nadamay si Jasmine sa galit ng fans nina Paulo at KC dahil kabi-break lang daw nito kay Sam Concepcion, nakikipag-date na. Hindi naisip ng mga nag-react na magkasama sina Paulo at Jasmine sa Regal Entertainment movie na Mara at baka nag-dinner after work.

Hindi na nakatiis si Paulo, muling nag-post ng, “Nabalitaan ko na may kumakalat na litrato ko sa Internet. Heto na” at nag-post ng picture na kasama ang isang lalaki na tila nasa dinner din sila. Ang hashtag na kanyang ginamit ay #BoyChua (pangalan siguro ng guy) #Dinner #FunTimes #Showbiz #NoToInternetCensorship #Chill #StolenShot.

Kaso may mga na-offend sa ginawa ni Paulo dahil sarcastic daw ang ginawa niya at ibang litrato ang pinost. Hindi nakatulong ang ginawa ni Paulo, kaya abangan natin ang mga susunod na mangyayari.

Anyway, sa Monday na, March 16, ang airing ng Bridges of Love at sa husay ng acting na ipakikita ni Paulo, siguradong pati ang mga nagtatampong fans nila ni KC ay mawala bigla ang tampo sa kanya. (Nitz Miralles)