Matinding sakripisyo ang gagawin ng isa sa miyembro ng Team Philippines lawn tennis na si Treat Conrad Huey upang iprisinta ang bansa sa gaganaping 28th Southeast Asian Games sa Singapore at prestihiyosong French Open sa Paris, France.
“Treat will be sacrificing a lot. Tatama kasi ang Singapore SEA Games at ang Australian Open. He will be racing against time flying from Paris to Singapore,” sinabi ni Philippine Lawn Tennis Association (Philta) secretary general Romeo Magat.
“But he vowed to play first for the Philippines,” pahayag nito.
Isasagawa ang 28th SEAG sa Hunyo 5 hanggang 16 habang ang prestihiyosong French Open ay nakatakda namang gawin sa Mayo 24 hanggang Hunyo 7.
Maliban sa numero unong netter na si Patrick John Tierro na mananatili sa bansa, ang iba pang kasama nito sa Davis Cup Team na nagtagumpay kontra sa Sri Lanka na sina Ruben Gonzales at Francis Casey Alcantara ay lalahok sa mga torneo sa labas ng bansa na katulad ni Huey.
“Only PJ (Tierro) will be left behind dito sa Pilipinas although mayroon siyang ilang sasalihang satellite events bago ang SEA Games. The rest of the teams are going to compete in big tournaments abroad,” ayon kay Magat.
Umaasa naman si Magat na posibleng makapag-uwi ng tatlo hanggang limang gintong medalya ang koponan, base sa inilaro ng buong miyembro ng PH Davis Cup team na winalis sa loob ng limang laro ang Sri Lankans para itala ang siyam na sunod na pagwawawagi sa kanilang paghaharap.
“Based on our recent campaign, we are looking for at least 3 gold medals in singles, mixed and men’s doubles in the SEA Games,” giit ni Magat.
“PJ (Tierro) at Ruben (Gonzales), base sa inilaro nila, are capable of winning in singles plus our doubles nina Treat at Casey,” ayon kay Magat.
“Then we have Katherina Lehnert and either of PJ or Ruben in the mixed doubles. Hopefully, we can win in the ladies singles with Lehnert for our possible fourth gold medal and then probably in the women’s doubles or the team events for our fifth gold,” dagdag ni Magat.
Matatandaan na huling inalis ang lawn tennis may dalawang taon na ang nakalipas sa Myanmar SEA Games.