Ipinagdiriwang ngayon ng Republic of Mauritius ang kanilang National Day na gumugunita sa kanilang kasarinlan mula sa United Kingdom noong 1968.

Matatagpuan ang Mauritius sa timog-kanluran ng Indian Ocean. Ang naturang bansa, bukod sa Island of Mauritius, ay saklaw ang mga isla ng Cargados, Carajos, Rodriguez, at Agalega. Port Louis ang kapitan ng bansa. Nasa mahigit 1.3 milyon ang kanilang populasyon, na kinabibilangan ng mga lahi ng Indian, African, French, at Chinese. English ang opisyal na wika at ang Mauritian Creole ang kanilang tunay na wika.

Noong ikasampung siglo, ang nakasulat na kasaysayan ng Mauritius ay naitala ng mga mamalakayang Dravidian at Autronesian. Gayunman, noong 1505, natuklasan ang isla ng Portuguese navigator na si Pedro Mascarenhas. Pagkaraan ng maraming siglo, sinakop ang Mauritius ng iba’t ibang European explorer, partikular na ang Dutch noong ika-17 siglo, ang French noong 1715, at ang British noong ika-19 siglo. Noong 1968, natamo ng Mauritius ang kasarinlan mula sa United Kingdom at naging isang republika sa loob ng Commonwealth noong 1992.

Ang Mauritius ay miyembro ng maraming international at regional organization, kabilang ang Commonwealth of Nations, La Francophonie, the African Union, ang Common Market for Eastern and Southern Africa, at ang South African Development Community.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang Mauritius ay isang upper-middle-income na bansa na nagtataglay ng isa sa pinakamatataas na per capita income sa Africa. Ang naturang bansa ay may matibay na investment climate, malayang ekonomiya, economic competitiveness, at mabuting pamamahala. Tubó ang nag-iisang cash crop ng bansa. Mahigit 90% ng sakahan nito ay nakalaan sa produksiyon ng tubó na nag-aambag ng mahigit 25% ng kita ng gobyerno. Ang iba pang tagaambag sa ekonomiya ay ang turismo, serbisyong pinansiyal, at export ng mga tela.

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Mauritius sa pangunguna ni Pangulong Rajkeswur Purryag, sa okasyon ng kanilang National Day.