Isang guro ang dinukot ng dalawang pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Indanan, Sulu kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Sulu Police Provincial Office (SPPO), naganap ang pagdukot dakong 6:00 noong Martes ng gabi sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu.

Ang biktima ay nakilalang si Allyn Abdurajack, 44, nakatira sa Barangay Kajatian ng nasabing bayan.

Nabatid ang biktima ay nagtuturo sa Jolo School of Fisheries, nang dukutin ng dalawang hindi kilalang lalaki na pinaniniwalang miyembro ng Abu Sayyaf.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Abdurajack ay pangatlong teacher na dinukot ng ASG ngayong Marso.

Dahil dito naglunsad na ng pursuit operation ang pulisya at militar laban sa mga kidnapper sa Sulu.