KLINARO ng taong malapit kay Jasmin Curtis ang isyu na nakitang nag-dinner date sila ni Paulo Avelino na na-post pa sa social media.

Wala raw itong katotohanan.

“Hindi naman totoong nag-date, halatang na-crop ang picture kasi grupo sila, group-chat ‘yun, Mara group, sina (Isabelle) Belle Daza, magkakaibigan sila, kasama si Direk Borgy Torre, ‘yung assistant director sa movie nila.

Ang Mara ay titulo ng pelikulang ginagawa nila ngayon sa Regal Films.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Ako rin kasama sa group chat, pero that time wala ako. Magkakaibigan sila, walang anumang namamagitan. Sabi nga ni Jasmin, ‘dapat kinunan din nila ‘yung maraming-marami kami as in grupo,’ kuwento ng source na malapit sa Move It host pero ayaw magpabanggit ng pangalan.

Hindi kasi maganda ang nabalita tungkol sa isyung nag-date sina Paulo at Jasmin dahil lumalabas na inagaw ni Jasmin si Paulo kay KC Concepcion na nababalitang on-the-rocks na ngayon bukod pa sa kakahiwalay lang din ng TV host/actress sa boyfriend naman niyang si Sam Concepcion at heto may kapalit na kaagad?

Sabagay, itinanggi rin naman ito ni Paulo na nagsabi pang makikitid ang utak ng ibang tao.

Tinatawanan lang daw ni Jasmin ang isyu at si Paulo naman ay kaliwa’t kanan ang pagpapaliwanag ng tungkol sa nasabing date.

“Bonding moment lang ‘yun ng magkakaibigan, ano ba?” sabi pa ng aming reliable source.