Si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang bagong Pangulo ng Catholic Biblical Federation (CBF).

Ayon sa isang post sa CBCP News, Marso 5 nang inihayag ni Pope Francis ang opisyal na pagkakatalaga kay Tagle sa Vatican.

Oktubre 2014 nang inihalal si Tagle bilang pinuno ng Catholic fellowship ng mga lokal at pandaigdigang organisasyon tungkol sa Biblical-pastoral ministry.

Matatandaang marami na ring puwestong hinahawakan ang Pilipinong cardinal sa Roman Curia.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kabilang dito ang pagiging miyembro ng Pontifical Commission for the Family, Pontifical Council for the Laity at Pastoral Ministry to Migrants and Travelers.

Isa rin si Tagle sa mga kasapi ng kongregasyon na responsable sa lahat ng usapin sa institutes of consecrated life at sa Sacred Congregation for Catholic Education.

Ang 57-anyos na pari ay kabilang din sa mga miyembro ng Permanent Council of the Synod of Bishops.

Pormal na iluluklok si Cardinal Tagle sa kanyang bagong posisyon—na hahawakan niya hanggang sa 2021—sa 9th CBF Plenary Assembly sa Nemi, Italy sa Hunyo 18-23, 2015.

Papalitan ni Tagle si Archbishop Vincenzo Paglia, na nagsilbi hanggang Setyembre 2002. (LESLIE ANN G. AQUINO)