ILOILO CITY– Anim na mga estudyante sa Iloilo, apat sa kalalakihan at dalawa sa kababaihan, ang namuno sa Regional Selection Camp ng Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines 2015 na iprinisinta ng Alaska sa Ateneo de Iloilo noong Linggo.

Sina Vince Andrew Jayme, 14, ng Huasiong College of Iloilo; Jann Paolo Villariza at Lucky Charm Ramos, kapwa 13, ng Sun Yat Sen High School at Ian Dominic Espinosa, 12, ng Ateneo de Iloilo ang Jr. NBA representatives sa Western Visayas, habang sina Jenedith Ruth Valle, 13, ng Barrio Obrero National High School at Shan Sumagaysay, 13, ng Colegio Sagrado Corazon de Jesus sa Iloilo ang tinanghal na region’s Jr. WNBA hopefuls sa National Training Camp sa Manila sa Abril.

Ang anim na batang manlalaro ay ilan sa 293 nagpartisipa sa Ateneo de Iloilo noong Sabado para sa two-day camp. Ang top 40 performers sa unang araw, kinabilangan ng vitals tests, skills challenges at basketball drills, ay inatasang magbalik noong Linggo para sa karagdagang intense drills, team exercises at scrimmages na makatutulong sa coaching staff na makapili ng pinaka-skilled basketball players na siyang naging ehemplo rin ng Jr. NBA/Jr. WNBA core values sa Sportsmanship, Teamwork, ang positive Attitude at Respect.

Sa pagtatapos ng Day 2, ang anim na young players ang tinanghal na top picks sa region. Ang Jr. NBA evaluation committee ay kinabibilangan ni Jr. NBA/Jr. WNBA head coach Chris Sumner at Jr. NBA/Jr. WNBA coaches na sina PBA Legends Topex Robinson at Rodney Santos, Alaska Power Camp coaches John Ramirez at Junjun Alas, at sina Perlas Pilipinas national players Ish Tiu at Melissa Jacob.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“One good thing about this batch from Iloilo is that the players have the skill and talent, and yet they have a yearning to learn more and to excel even further. That spirit of competitiveness is what they will bring to Manila and put them on good footing with the other National Training Camp finalists who are also top players from other regions,” saad ni coach Tiu.

Ang susunod na Regional Selection Camp ay gaganapin sa Baguio City sa St. Louis University sa Marso 14 at 15. Tatlo pang regional selection camps ang susunod sa Bacolod City sa St. John Institute sa Marso 21 at 22, Davao City sa University of the Immaculate Conception sa Marso 28 at 29 at sa Manila sa PICC Forum sa Abril 11 at 12. Ang makukuwalipika sa kalalakihan at kababaihan na hangad na mapasama sa selection camps ay maaari pang magparehistro sa www.jrnba.asia/philippines. Ang program ay kumpletong libre sa lahat ng stages.

Sampung Jr. NBA at limang Jr. WNBA All-Stars ang pipiliin sa National Training Camp na mapapasakamay ang unique, overseas NBA experience kasama ang kapwa Jr. NBA All-Stars na mula sa Southeast Asia. Ang Coach of the Year na ipiprisinta ng Alaska ay iaanunsiyo rin sa National Training Camp na dadaluhan ng NBA talents.

Kabuuang program terms at conditions ang makikita sa Jr. NBA/Jr. WNBA event website. Maaari ring sundan ng fans ang Jr. NBA/Jr. WNBA sa Facebook sa www.facebook.com/jrnbaphilippines. Pwede ring bumisita ang fans sa www.nba.com, at sundan ang NBA sa Facebook (www.facebook.com/philsnba) at Twitter (www.twitter.com/nba_philippines).