MMDA Chairman Francis Tolentino

TRECE MARTIRES, Cavite – Mahigit isang taon bago pa ang eleksiyon sa Mayo 2016, inendorso na nina Cavite Gov. Juanito Victor “Jonvic” Remulla at kanyang mga kaalyado sa pulitika ang kandidatura sa pagkasenador ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa susunod na halalan.

Ito ang unang pagkakataon na isinapubliko ang pagtakbo ni Tolentino, na dating mayor ng Tagaytay City.

Sa kanyang pagbisita sa Kapitolyo ng Cavite kahapon ng umaga, inihayag ni Tolentino ang kanyang mga plano at programa ng national government para sa Cavite, partikular sa larangan ng imprastraktura at turismo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Isa ring Caviteño, kinumpirma ni Remulla ang pagtakbo ni Tolentino sa senatorial race. “Tatakbo siya sa pagkasenador,” pahayag ni Remulla.

Ito ay taliwas sa mga espekulasyon na tinatarget ni Tolentino ang pagkagobernador ng Cavite sa susunod na eleksiyon.

Isang abogado na kilala rin bilang isang environmentalist, si Tolentino ay isa sa mga unang itinalaga ng noo’y Pangulong Corazon Aquino bilang officer-in-charge ng Tagaytay City noong 1986 bago siya nahalal bilang punongbayan ng siyudad ng tatlong termino – mula 1995 hanggang 2004. (Anthony Giron)