Dingdong at David

HINDI napilit ng press na magsalita si Dingdong Dantes sa isyu nila ng director na si Erik Matti tungkol sa pelikulang Ponzi na unang in-offer sa kanya pero napunta kay John Lloyd Cruz.

Inisip ng press na hindi sinagot ni Dingdong ang mga tanong tungkol sa aborted movie project dahil presscon ‘yun ng Pari Koy, ang inspirational series niya sa GMA-7 na nagsimula na kagabi at gusto niyang positibo ang kapaligiran at usapan.

Pero tiyak na muling mapag-uusapan ang isyu dahil sa post ni Dondon Monteverde sa social media na, “I still treat him as a friend. I have a lot of respect kay Dingdong and I hope we can talk to each other when things cool down.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi pa namin alam kung nakarating na kay Dingdong ang post ni Dondon. Hindi pa rin nagpaparamdam si Direk Erik.

Samantala, sa first week ng Pari Koy,masusubukan agad ang kakayahan ni Father Kokoy (Dingdong) at makikilala agad ang ilan sa mga karakter na kanyang makasasalamuha.

Kabilang dito si Pinggong na gagampanan ang child actor na si David Remo. Makulit at may pagkapilyo si Pinggoy pero may kakaibang karisma.

Importante ang partisipasyon ni Pinggoy, subaybayan n’yo lang ang Pari Koy na napapanood pagkatapos ng 24 Oras Lunes hanggang Biyernes.

Nag-spoiler si David sa role niya nang makausap namin, “Magnanakaw po ako dito, sa church ako nag-taping,” kuwento niya.

Eight years old si David, grade 2 sa La Salle at favorite subject ang Math. Sa Ateneo raw siya magka-college.

First time niyang makasama si Dingdong na mabait daw sa kanya. -- Nitz Miralles