Hindi umubra sa Philippine Davis Cup Team ang dumayong Sri Lanka matapos itong makalasap ng tatlong sunod na kabiguan sa limang larong 2015 Davis Cup Asia Oceania Zone Group II tie noong Sabado sa Valle Verde Golf and Country Club sa Pasig City.

Nagawang kumpletuhin nina Fil-Am Treat Huey at Francis Casey Alcantara ang unang dalawang sunod na panalo ng Pilipinas sa singles matapos itala ang apat na set na pagwawagi sa iskor na 3-6, 6-3,6-2, 6-4, kontra Sharmal Dissanayake at Dineshkanthan Thangarajah ng Sri Lanka sa doubles.

Bunga ng panalo ay nawalang bisa ang huling dalawang laban sa reverse singles na sasabakan sana ni Patrick John Tierro na ibinigay ang unang panalo sa Pilipinas bago sinundan ni Ruben Gonzales.

Nasiguro rin ng panalo na mananatili sa Group 2 ang Pilipinas sa 2016 bagaman hawak pa nito ang pagkakataon na umungat sa mas matinding labanan sa inaasam nitong masungkit na silya sa Group 1.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sunod nitong lalabanan ang mananalo sa Chinese Taipei at Lebanon sa semifinals sa Hulyo.

Nabigo muna sa unang set sina Huey at Alcantara na ginamit nito para alamin ang laro ng kalaban bago sinimulang ipakita ang husay sa second set tungo sa panalo na nagbigay sa bansa sa ika-siyam nitong sunod na tagumpay sa Sri Lanka sa kanilang head-to-head.