NA-SHOCK ang isang TV host sa female personality na kasalukuyang may isyu ngayon na nagsabi sa kanya na kung gusto siyang mainterbyu ay kailangang bayaran siya ng honorarium.

Ayon sa TV host, wala sa kultura nila ang pagbibigay ng honorarium sa mga personalidad na iniinterbyu nila, ke may isyu o wala. At hindi kailangang bayaran ang female personality dahil kusang loob naman itong pumayag nang tanungin siya kung gusto niyang maglabas ng hinaing.

Katwiran ng female personality, pinayuhan daw siya ng kaanak niya na sa bawat interbyu niya ay dapat siyang bigyan ng honorarium.

“Ano ‘yun, pagkakakitaan niya ang bawat mag-iinterbyu? Hindi naman siya sikat, ‘no, pangdagdag laman lang naman siya, hindi naman malaki istorya niya,” pagtataray ng TV host.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang banggitin ng TV host na walang honorarium, tinanong nito ang female personality kung gusto pa nitong ituloy ang interview o hindi na. Dahil kung igigiit pa rin nito ang hinihinging talent fee, e, hindi na lang nila itutuloy ang panayam.

“Nahiya siguro, pinatuloy naman ang interview, wala namang bago kasi lumabas na rin naman sa diyaryo,” kuwento ng source.