Maja Salvador

NAG-POST ng picture sa Instagram si Maja Salvador na nasa harap siya ng logo ng Ivory Music Video. Ang inilagay niyang caption ay, “Exciting kasi this March na rin i-release ang aking 1st single from my 2nd album.”

Hindi binanggit ni Maja ang title ng kanyang single at second album, pero naalala naming nabanggit niya ito sa presscon/launching niya bilang endorser uli ng Sisters Napkins and Pantyliner at inulit sa presscon ng Bridges of Love.

Mukhang matutupad din ang dasal niyang maging hit uli gaya sa first album niya ang second album dahil first single pa nga lang ang ire-release, nagkakagulo na ang kanyang fans.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Big blessing din kay Maja ang Bridges of Love dahil hindi lang siya ang bida, nasa  primetime rin ito at kinu-consider ito ni Maja na kanyang greatest role. Kaya dedma siya na second choice lang siya at unang in-offer kay Anne Curtis ang role ni Mia. Saka sabi ni Jericho Rosales, si Maja ang best choice sa role ni Mia.

“Okay lang sa akin kahit pang-ilang choice ako. Ang importante sa akin napunta ang role at hindi ako nagkamali sa pagtanggap ng role. Saka kung si Anne Curtis naman ang first choice, okay na okay lang,” sabi ni Maja.

Sa March 16 na ang premiere telecast ng Bridges of Love sa direction nina Richard Somes, Will Fredo at Dado Lumibao. Likha ito ng Star Creatives production. (Nitz Miralles)