Sa kabilang ng malawakang opensiba ng militar kontra sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu,  kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pag-kidnap sa dalawang guro sa may Barangay Moalboal, Talusan, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na  sina Reynadit  Silvano, 34; at Russel Bagonoc, 22, na kapwa guro ng Tuburan Elementary School sa Bgy. Tuburan ng Talusan, Zamboaga Sibugay nang harangin ng anim na armadong suspek.

Ayon sa Talusan Municipal  Police, nakilala ang isa sa mga naarestong suspek na si Kapdul Hadjiula na isinasalalim sa imbestigasyon.

Inamin ni Hadjiula na tatlo sa kanyang mga kapatid ay miyembro ng ASG na nakabase sa Sulu at Basilan at responsable sa pagdukot sa dalawang guro.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinilala ng tatlong suspek sina Naim Sabdani, Mansul Sabdani at Amadan Sabdani na pawang mga residente ng Barangay Moalboal.

Isa sa mga suspek na kinilalang si Edimar Isnain ay konektado rin sa grupo. 

Ayon sa report ng pulisya ang pagdukot sa mga guro sa naganap dakong 7:30 ng umaga makaraang ireport na nawawala bandang 3:00 na ng hapon.

Nabawi ng pulisya ang motorsiklo ng mga biktima sa dalampasigan malapit sa pinangyarihan ng pagdukot.