Nasa malubhang kalagayan ngayong ang isang 25 anyos na guro ng isang pampublikong paaralan makaraang saksakin  at  tanggalin ang matangos na ilong nang manlaban sa tangkang panggagahasa sa kanya sa Manapla,Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Hindi na kinilala ng pulisya ang biktima subalit napag-alaman na may dalawang anak sa Manapla Elementary School kung saan din ito nagtuturo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakalimutan isara ng ginang ang pintuan ng kanilang bahay habang nagpapatulog ng kanilang anak kaya nakapasok ang suspek.

Mabilis na tinututukan ng kutsilyo,ang ginang at inutusan ng suspek na makipagtalik sa kanya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nanlaban ang  biktima kaya nagalit ang suspek. Dahil dito, sinultok sa tiyan at sinaksak ng dalawang beses sa maselang bahagi ng katawan.

Hindi nasiyahan ang suspek tinapyas din ang  ilong na matangos ng biktima bago tumakas.

Isinugod sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa Bacolod City ang biktima habang patuloy na pinaghahanap ang suspek na tumakas sakay ng isang motorsiklo.