HALOS lahat ng uri ng mga pangunahing putahe sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas ay nai-feature na sa morning show ni Kris Aquino. Dumaan ang mga ito sa kanyang  pihikang panlasa at nahusgahan.

Kris Aquino

Sa rami ng mga tagahanga ni Kris, hindi na kataka-taka na maraming restaurants ang naghahangad na maitampok sa kanyang KrisTV show. Kasi nga naman common knowledge na sa food industry na dinarayo ang anumang restaurant na napapanood sa show niya.

Kapag napanood sa KrisTV na nagustuhan ni Kris ang food o maganda ang rating na iginawad niya, asahan nang dumog ang dating ng customers sa itinampok na restaurant.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nitong nakaraang Lunes ay hindi lamang patikim ang ginawa ng Queen of All Media kundi aktuwal na pagluluto sa dalawang paborito niyang putahe.

Cooking need not be hard to accomplish ang kanyang pinatunayan at proof daw ng isang marunong magluto ay kapag natalamsikan ito. 

Kahit medyo may kaliitan ang kitchen na kanyang ginagalawan ay step-by-step na ipinakita ng TV host/actress at proud nanay ang kanyang version ng Binangoonang Liempo at Kare-kare ala-Krissy.

Apat na oras na pinakuluan ang karne kaya super lambot ang kinalabasan. Two versions ang kanyang ginawa sa putahe: isang may sabaw at tuyo o crispy.

At ano ang naging verdict ni Darla sa luto ni Kris? A perfect 10. Kahit nanonood lamang, sa presentation nila ay ginutom na kami.

Dagdag pa ni Kris, na bagay na bagay na salabat ang inumin after eating para maalis ang pagkaumay.

Oo nga naman, bakit laging tea ang hinihingi after a hearty meal. Batay sa mga pag-aaral, higit namang mas mainam sa tiyan ang luya.

Nang sabihin na pagbi-bake ng chocolate cookie ang sunod niyang idi-demonstrate, tiyak na naming marami na naman ang mag-aabang.

Well, kailan ba hindi marami ang nag-abang sa mga itatampok ng Queen of All Media sa kanyang TV shows? (Remy Umerez)