Tila isang preview na para sa 2015 Southeast Asian Games athletic competitions sa Singapore ang paghataw ngayong taon ng Philippine National Open Invitational Championships sa Marso 19 hanggang 22 sa San Luis Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.

Humigit-kumulang sa Some 1,500 top-rated athletes mula sa Asia, kasama na ang 80 hanggang 90 na mula sa Japan, Korea, China, Chinese Taipei, Hong Kong, Thailand, Indonesia, Vietnam, Malaysia, Singapore, Brunei at host Philippines ang magpapamalas ng kanilang angking galing para sa four-day National Open, muling nagbabalik matapos ang apat na taong pahinga.

“This will be a National Open like no other. Pang-SEA Games na ang level ng competitions because our regional neighbours are coming in and using this competition to select their athletes going to the Singapore SEA Games this June,” saad ni Philip Ella Juico, presidente ng organizing Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA).

Isasagawa ang athletic championships sa kooperasyon ni host Laguna Governor Ramil Hernandez.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“We expect the competitions to be tough and it will be a treat to the people of Laguna seeing these top athletes from the region go at it,” dagdag ni Juico, tatakbo rin bilang vice president ng Asian Athletics Association sa Hunyo.

Sinabi ni Juico na kanyang ipupursige ang sports cooperation kasama ang nasyon sa rehiyon, na kahalintulad ng ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) economic template upang sa ganoon ay mapaangat ang athletic standards.

Kabuuang 23 gold medals ang nakataya sa bawat men’s, women’s at junior competitions sa PH Open, habang anim na iba pa ang nakataya para sunggaban ang masters’ category at 19-under division.

Ang Pilipinas ay pamumunuan ng national Olympic program at 19-anyos na pole vaulter na si Ernest John Obien, binura ang national mark na 5.01 meters na isinagawa ni Edward Lasqueta nang kanyang ihagis ang 5.05 meters noong Hulyo sa nakaraang taong PATAFA meet, bago muling ikinasa ang 5.20 meters upang pagwagian ang Singapore Open.

Makakasama ni Obiena, amnak ng dating national athlete na si Emerson Obiena, ang anim na iba pang mga atleta na naisakatuparan ang napakahalagang listahan ng komite na kinabibilangan ni Juico at sports patron-businessman Jim Lafferty.

Sila ay sina Fil-Am hurdler Eric Cray, ang 15-anyos na sprinter na si Zion Corrales-Nelson, middle-distance runner Archand Bagsit, decathlete Jesson Cid at dating Asian long jump champion na si Marestella Torres.