Tumatanggi na si Senator Juan Ponce Enrile sa panawagang i-house arrest na lang siya.

Ito ang inihayag ng anak ng senador na si dating Cagayan Rep. Jack Enrile.

“He wants to go through the process, face his accusers, face the charges that are before him, answer them before the Filipino public and clear his name,” pagbabahagi ng nakababatang Enrile matapos makausap ang ama na nananatili pa sa Makati Medical Center.

“He’s in a fighting mood. He really wants to clear his name not only for himself but for his family as well,” ayon sa dating kongresista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman, pinasasalamatan ng senador ang mga nagmumungkahing i-house arrest na lang siya para sa mga kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Nakaratay pa rin si Enrile sa Makati Medical Center makaraang makaranas ng mataas na lagnat at pag-ubo na may kasamang dugo dahil sa sakit nitong pneumonia, habang naka-hospital arrest sa Philippine National Police (PNP) General Hospital sa Camp Crame.

Ipinaliwanag din ng dating kongresista na nais din ng kanyang ama na bumalik na sa kulungan sa Camp Crame.

“At least doon ay nasisinagan daw siya ng araw because he is allowed to walk around for about an hour a day and there are windows in his room,” ayon sa nakababatang Enrile.

Idinagdag pa ng dating kongresista na patuloy na bumubuti ang kondisyon ng senador at posibleng makabalik na sa Camp Crame sa loob ng isang linggo.