LEGAZPI CITY – Humanga si French President Francois Hollande sa Albay Green Economy na kasama ang mga dimensiyon ng sustainable development at poverty alleviation na nakaankla sa environment protection.

Ipinaliwanag ni Albay Gov. Joey Salceda ang konsepto ng Albay Green Economy at iba pang mga kaakibat nitong programa kaugnay ng climate change adaptation (CCA) at disaster risk reduction (DRR) sa isang state dinner na handog ni Pangulong Aquino sa Malacañang kamakailan para kay Hollande at kanyang delegasyon. Bumisita sa Pilipinas ang Pangulo ng France noong Pebrero 26-27 upang mangalap ng suporta suporta ang idaraos na 21st Conference of Parties ng UN Framework Convention on Climate Change (COP 21) sa Paris sa Disyembre ngayong taon.

Sa kanyang presentasyon, sinuma ni Salceda ang mga biyayang dulot ng kanilang Albay Green Economy gaya ng sumusunod: Zero casualty sa mga kalamidad sa nakaraang ilang taon, 88% na paglawak ng forest cover ng Albay at paglawak ng bakawan sa 2,400 ektarya mula 700 ektarya, pagsulong ng rice production sa 200,088 metric tons noong 2013 mula 147,291 metric tons noong 2008 sa kabila ng mga kalamidad, ambag na 250 MW geothermal power, paglago ng turismo sa 339,000 foreign tourist nitong nakaraang 2013 mula 8,700 noong 2006.

Bilang Bicol Regional Development Council chair, at sa pamamagitan ng ‘green economic principles’ nagawang mapasulong ni Salceda ang Bicol l na nagtala ng 9.4% growth noong 2013, higit pang mataan sa 7.4% national average growth.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinuri din ang presentasyon ni Salceda ni 2008 Oscar Best Actress Marion Cotillard, na kasama ni Hollande at isa sa mga aktibong climate change adaptation campaigner. “Nakaka-inspire ang napakagandang pagkakalahad niya ng programa na sadyang kailangan,” pahayag bg French actress sa English.

“Binati ako ni President Hollande at sinabi ko naman sa kanya na nahalal akong Green Climate Fund (GCF) co-chair sa Paris noong Octubre 2013. Pinasalamatan ko rin siya sa pagtuon ng kanyang state visit sa climate change at sa US$ 1 billion na kuntribusyon ng France sa GCF sa panahon ng aking panunungkulan (2013-2014),” ayon kay Salceda. Idineklara ng United Nations si Salceda bilang UN Global Champion for CCA and DRR, at ang Albay bilang Global Model nito.