LONDON (Reuters)– Tumuntong si Kei Nishikori ng Japan sa Top 4 ng ATP world rankings noong Lunes sa pagpapatuloy ng pagyanig ng Asian trailblazer sa top echelon ng men’s tennis.

Ang kanyang kampanya sa Acapulco, kung saan tinalo niya si David Ferrer ng Spain, ang nag-angat sa kanya sa bagong career-high ranking na ikaapat, upang lampasan si Andy Murray ng Britain.

Sina Novak Djokovic, Rafa Nadal, Roger Federer at Murray ay matagal nang kinilala bilang “big four” ng men’s game.

Si Nishikori, na naging unang lalaking Asyano na nakaabot sa isang grand slam singles final sa U.S. Open noong nakaraang taon, ay pumantay para sa highest ranking ng isang Japanese player, na gaya ng nakamit ni Kimiko Date-Krumm sa women’s list may 20 taon na ang nakalilipas.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“What’s important is where you are at the end of the year,” sabi ng 25-anyos na si Nishikori sa local media. “I hope I can produce some big results.”

Siya ay sasabak sa aksiyon para sa Japan ngayong linggo sa Davis Cup World Group sa first round kontra sa Canada sa Vancouver.