Pinaalalahanan ng Department of Justice (DoJ) ang publiko hinggil sa dumaraming kaso ng “sextortion”.        

Sa isang advisory, pinaalalahanan ni Justice Secretary Leila De Lima ang mga Internet user na protektahan ang kanilang personal na impormasyon upang hindi ito mapasok ng mga hindi nila kilalang tao.              

Nangyayari ang sextortion sa pamamagitan ng panghihingi ng pera sa prospective victim kapalit ng hindi pagbubunyag sa publiko ng hubad nitong larawan o ipinapalit ang kanilang mukha sa sex video.                            

Pinayuhan din ng DoJ ang sinumang nabiktima ng sextortion na huwag magbibigay ng pera at sa halip ay magsumbong sa mga awtoridad.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists