TUBA, Benguet – Apatnapu’t anim na pasahero, kabilang ang isang dayuhan na patungo sa Baguio City, ang nasugatan makaraang dumausdos ang sinasakyan nilang bus sa may 37-metrong lalim na bangin sa Sitio Umesbeg, Taloy Sur, Marcos Highway, Tuba, Benguet, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Senior Supt. Rodolfo Azurin, Jr., director ng Benguet Police Provincial Office, dakong 3:45 ng umaga nang mangyari ang aksidente habang papaakyat ang Victory Liner bus (CXS-967) galing sa Pasay City patungong Baguio City, na minamaneho ni Levy Domasig Dipad, 53 anyos.
Kabilang si Dipad sa mga nasugatan.
Base sa pahayag ng konduktor na si Michael Rodriguez, 41, isang truck na pababa ang nasa lane na kanilang dinadaanan sa bahagi ng sharp curve, at sa pag-iwas ng bus ay dumausdos ito sa bangin.
Ayon kay Azurin, wala namang grabeng nasugatan sa mga pasahero, na kinabibilangan ng dayuhang si Vesa Puosi, 25 anyos.
Agad na naisugod sa Baguio City General Hospital and Medical Center ang 23 nasugatan na sina Rehana Lasingo Malaco, 17, ng Laguna; Noraina Lasingo Malaco, 26; Walfina Lasingo Malaco, 24; Renato Rafael Dizon, 45, ng Pangasinan; Myrna O. Roperto, 23, ng Baguio City; Joel M. Mangubat, 37, ng Laguna; Ricardo M. Tolentino, 39; Romilo P. Florez, 49; Christopher Dacanay, 26, kapwa taga-Baguio City; Arlene Landisan, 30, ng Benguet; Benjamen Landisan, 38 anyos.
Nasaktan din sina Elmerito Fonseca, 55; Arlene Abiento, 33, kapwa ng Benguet; Daniel Tamondong, 23, ng Laguna; Charry Adane, 23, ng La Union; Brade Stephen Malanao, 10 buwan, ng Baguio City; Sheila Marcos, 21, Baguio City; Junie Dacanay, 25, ng Laguna; Raingel Pelaez, 31, Laguna; Angelita Degay, 31, ng Mountain Province; Polmores Degay, 35, Mountain Province; at Mark Pino, 24, ng Benguet. - Rizaldy Comanda